Repleksyon:
"Bunga ng Kasalanan"
ni. Cirio H. Panganiban
Pagsisisi? Pagmamahal? Ano nga ba ang nananaig? Sa buhay natin hindi dapat minamadali ang panahon. Matuto tayong hintayin ang oras na
karapat-dapat para sa atin, panahong dapat ay sa atin at oras na nakalaan sa atin. Mga bagay na kahit ating ipilit at gustuhin ay hindi talaga maari, ngunit dahil sa ating kagustuhan ay naging mapusok tayo sa mga desisyon natin, mga desisyong pabigla-bigla nating ginagawa, desisyong hindi natin pinagiisipan ng mabuti, desisyong nauuwi sa kasarinlan. Pagkakamaling habang buhay nating pagsisisihan.
Sa isang pamilya hindi mahalaga ang pera kung wala namang anghel sa kanilang buhay. Hindi masaya ang kanilang buhay dahil kulang sila. Nakakalungkot man na pero kailangan nilang manampalataya at magtiwala sa Diyos. Sa mga ganitong bagay sinusubok lang tayo ng Diyos kung gaano kalaki ang tiwala natin sa kanya. Alam naman na natin na walang imposible sa kanya. Huwag tayong sumuko, sa mga bagay na alam natin ng may solusyon pa. Huwag nating gamitin o isipin ang mga makamundong bagay. Sa panahon ngayon, sa pag- angat ng sensya ng mundo nagagawa na nating simpleng bagay na dapat ay ginagamitan natin na matalinong pag iisip.
Sa mga pagkakamaling ating nagagawa, mga bagay na ating naiisip wag nating idamay ang taong walang kaalam alam. Hayaan nating mabuhay sila ng normal, iparamdam ang pagmamahal at pag aalaga na dapat ay kanilang natatamo. Saan man ito nagmula,artipisyal man o hindi isa parin itong biyaya na dapat ay ating pahalagahan,ingatan at mahalin. Ano mangpagkakamali ang nagawa, magbunga man ito ng maganda o hindi lumapit lang tayo sa Diyos at magpakumbaba siguro akong mababagao ang takbo ng buhay sa mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento